Featured Post

Posisyong Papel "Death Penalty"

POSISYONG PAPEL “Pagpapatupad ng Parusang Kamatayan sa bansa (Death Penalty)” Matagal na ang debate tungkol sa pagpapautapad...

Saturday, January 27, 2018

Posisyong Papel "Death Penalty"

POSISYONG
PAPEL




“Pagpapatupad ng Parusang Kamatayan sa bansa (Death Penalty)”

Matagal na ang debate tungkol sa pagpapautapad ng Parusang kamatayan hindi lamang sa ating bansa kundi sa buong mundo.Ito ang isyung pinagtatalunan hindi lamang ng mambabatas pati na mga pangkaraniwang mamamayan.
Ano nga ba ang parusang kamatayan? Nararapat ba itong ipatulad muli? Sa United States, kapag ikaw ay nakagawa ng karumal-dumal na krimen ay maari kang maparusahan ng kamatayan kung ito'y mapapatunayan, pati na rin sa mga bansang nagpapatupad nito. Ang parusang kamatayan ang pinakamabigat na hatol kung saan ang gobyerno an may hawak ng iyong buhay ngunit ito'y nakadepende sa kasalanang iyong nagawa o bigat. Ayon pa kay Pangulong Rodrigo Duterte, ang muling pagpapatupad ng parusang kamatayan ay hindi pananakot sa mga krimenal kundi pamabayad sa kanilang kasalanan. Samantalang may mga opisyal ng gobyerno rin na hindi sang-ayon dito, tulad ni Chito Gascon pinuno ng CHR, sapagkat ang paniniwala niya kung ipapatupad ang parusang kamatayan ay wala na silang pangalawang pagkakataon upang magsimula ulit.
Sa kabila nito nangingibabaw pa rin sa iba ang pagpapatupad dito. Sa duma-daming mga kriminal, rapist, drug , traffickers , mga magnanakaw , mga teroristang walang takot na pumapatay at gumagawa ng lagim , kidnappers, at carjackers , at ang riding in-tandern kung saan walang awang pumapatay; Sa kasamaang palad ang kadalasang sangkot dito ay mga pulis.
Ang halimbawa nito mula sa Pang-Masa ang karumal-dumal na pagpatay sa 75-anyos na ina ng aktres na si Cherry Pie Picache. Hindi lamang ito ang naganap na krimen sa bansa dahil napakarami pang iba. Nakikita at naririnig natin sa mga pahayagan araw-araw na kung minsan pa'y sa ating mismong lugar nagaganap. Isninulong ni Sen. Sotto ang pagbabalik ng Death Penalty, ayon sa kanya palubha ng palubha ang mga krimen sa bansa kaya nararapat lamang na ito’y ibalik ang bitay.

Mula sa mga opiniyon at pahayagan ng mambabatas at ibang opisyal ng gobyerno pati na rin ng pangkaraniwang mamamayan na pagtitimbang natin ito kung alin ang mabigat at nakabubuti. Sa pagpapatupad nito maaaring ang kinabukasan ng mga sumusunod na henerasyon ay maisalba mula sa hindi kanais-nais na nangyayari sa ating lipunan. Pati na rin sa pagkakaroon ng patas na batas sa mga ibang bansa. Dahil kung naririnig ninyo maraming Pilipino na ang naparusahan at nabitay sa mga dayuhang bansa subalit ang iba'y nanaaakusahan lamang. At ito'y napakasakit pakinggan. Kaya kung ito'y maipapatupad sa ating bansa kung sinuman ang makagagawa ng krimen maging pinoy, dayuhan o toresta ay mapaparusahan ng parusang kamatayan, dahil ang  batas ay walang kinikilingan at walang pinoprotektahan dapat lahat ay patas. Upang pagkakaisa ay makamit.



Punto #1: Walang takot sa batas at patuloy na paggawa ng krimen ng mga kriminal.
Tulad na lang ng nangyari sa dalawang kabataan sa pinatay sa magkaibang lugar. Ang una ay ang walang awang ginahasa at pinatay na isang 17 anyos na estud­yante sa Indang Cavite. Ang ikalawa ay sa isang grade 10 na estudyante sa Baguio City. Sayang ang mga kabataan na ito na may maganda sanang kinabukasan. Matapos palakihin at pag-aralin ng kanilang mga magulang sa isang iglap mababalitaan na lang nila na ito’y patay na. Kahit sinong biktima ang makaranas ng ganitong pangyayari walang maisasaisip kundi “kapag buhay ang inutang, buhay din ang kabayaran”.

Punto #2: Paglala ng krimen sa Lipunan.
Drugs, gun-for-hire killings, murder, rape, child prostitution, kidnapping, robbery, acts of terrorism at malversation of public funds, ay ilan lamang sa malalalang krimen na patuloy na nagaganap sa ating bansa sa kasalukuyan.

Punto #3: Hindi napaparusahan ang taong napatunayang nagkasala.
Marami narin ngayon sa kasalukuyan na ang mga bilanggo narin ang namamahala sa mismong kuliungan nito, at napapaikot narin ang mga kawani ng gobyerno gamit ang salapi kapalit ng patikom sa pikitmatang mga tunay na pangyayari sa kasalukuyan.

Punto #4: Nababawasan ang kriminal kaysa sa mabubuting mamayan ng Pilipinas.
Kapag napatupad ang death penalthy , mapapaigting nito ang mga kaso nang pagpatay ng mga inosenteng tao, sa halip magiging tulay ito o daan upang mabawasan at matakot ang mga kriminal na gumawa ng masama.

Punto #5: Ang Death Penalty ay isa tungo sa pagbabago ng mga tao.
Mas-uusigin ng mga tagahatol ang mga tao upang sa gayon , mas maibigay ang akmang kaparusahan rito. Ang death penalty ay magsisilbing isang patnubay na batas na dapat sunduin upang ang mga kriminal ay matakot na kalabanin ang gobyerni at gamitin ang kasaman laban sa mamayan, dahil kapag may death penalty , hindi lang mababawasan ang krimen , makakatulong pa ito na makapanghikayat ng tao na huwag nang ituloy ang krimen na maari niyang gawin.

DISCLAIMER: Its content does not cover or provide the idea of ​​killing based on its creation. Its content only shares an idea about a topic without its proper command to the readers. You can borrow or replace other words and phrases and you can also base them, but plagiarism is strictly prohibited.


6 comments: